Panalangin kay San Miguel
Prayer to St. Michael
Tagalog
San Miguel Arkanghel, ipagtanggol mo kami sa labanan. Maging sanggalang ka namin laban sa kasamaan at mga bitag ng diyablo. Hinihiling naming may kababaang-loob na sawayin siya ng Diyos; at ikaw, prinsipe ng hukbo ng langit, sa kapangyarihan ng Diyos, itaboy mo sa impiyerno si Satanas at ang lahat ng masasamang espiritu na gumagala sa daigdig upang ipahamak ang mga kaluluwa. Amen.
English
Saint Michael the Archangel, defend us in battle. Be our protection against the wickedness and snares of the devil. May God rebuke him, we humbly pray; and do thou, O Prince of the heavenly host, by the power of God, cast into hell Satan and all the evil spirits who prowl about the world seeking the ruin of souls. Amen.