Skip to content
Gabay
Prayers

Aba Po, Santa Mariang Hari

Hail, Holy Queen

Tagalog

Aba Po, Santa Mariang Hari, Ina ng awa, ikaw ang aming buhay, aming katamisan, at aming pag-asa. Aba! Sa iyo kami'y dumudulog, naliligalig na mga anak ni Eva. Sa iyo kami'y nagbubuntong-hininga, nananangis at tumatangis sa lambak na ito ng mga luha. Kaya nga, Mapag-ampon naming Taga-pamagitan, ang mga mata mong maawain ay ilingon mo sa amin, at pagkatapos nitong aming pagkapatapon, ipakita mo sa amin si Hesus, ang pinagpalang bunga ng iyong sinapupunan. O maawain, o maalab na pag-ibig, o Mariang Birhen na kaibig-ibig.

Ipanalangin mo kami, Santang Ina ng Diyos, nang kami'y maging dapat makinabang sa mga pangako ni Kristo. Amen.

English

Hail, holy Queen, Mother of mercy, our life, our sweetness and our hope. To thee do we cry, poor banished children of Eve; to thee do we send up our sighs, mourning and weeping in this valley of tears. Turn then, most gracious advocate, thine eyes of mercy toward us, and after this our exile, show unto us the blessed fruit of thy womb, Jesus. O clement, O loving, O sweet Virgin Mary.

Pray for us, O holy Mother of God, that we may be made worthy of the promises of Christ. Amen.